Sunday, August 10, 2014

Edukasyon sa Pagpapakatao (Grade-9)


Paaralan
Ito ay itinuturing na pangalawang tahanan ng bawat mag-aaral dahi dito nagiging mas malapit nag mga guro dahil mas nagiging personal ang turing sa bawat isa.Layunin ng paaralang hubugin ang kagalingang taglay ng bawat isa. Dito lalong nahahasa ang bukod-tanging mayroon ang isang bata. Kasamang nahuhubog dito'y ang saring disiplina.



(a.) Alam nman nating lahat na ang unang paaralan nating lahat ay ang mga tahanan natin! ang layunin ng mga paaralan ay ang tulungan ang mga estudyante na gamitin ang kanilang nalalaman sa pamamagitan ng pagturo ng mga iba't ibang bagay! una dahil magagamit natin ang stock knowledge natin sa future. at ang huli ay upang malaman natin kung ano ang mga bagay na bumuo sa mundo gaya ng science at may subjects kasi na di natin nagaganit sa pang araw araw natin pero ito karagdagang impormasyon dahil lahat ay may karapatan na matuto kahit anong edad ng isang tao para makapag-aral ang mga bata. :)

(b.) Kontribusyon: Nakatutulong ito para umunlad ang ating lipunan . Dahil kapag nakapagtapos ang mga kabataan maaari silang makakuha ng trabaho batay sa nakuhang kurso nila . At kapag nagkatrabaho sila maaari silang makapagbayad ng buwis para sa ating bansa na siya ring gagamitin upang makapagpatayo ng mga paaralan , klinika , ospital at iba pa.

(c.) to ang nagbibigay edukasyon sa mamamayan upang pataasin ang kanilang kaalaman . dito nag uumpisa ang pag-unlad ng bawat mamamayan na siya ring ikauunlad ng lipanang ginagalawan...:)


(d.) ito ang lugar kung saan hinuhubong ang pagkatao, kaisipan, at ang magiging kinabukasan ng bawat mag-aaral, nakatutulong ito upang mapaunlad ang kaalaman at maging handa para harapin ang isang malaking responsibilidad at para sa ikauunlad sa hinaharap. Sa ngayon lumalaki na ang mga may hanap-buhay kaysa sa walang hanap buhay. Senyales lang ito na umuunlad na itong ating bansa at sana lamang ay magtuloy-tuloy na. Sa ngayon hindi lamang nililinang ang mga mag-aaral sa paaralan upang magkaroon ng magandang hanap buhay pag katapos ng eskwela kundi magkaroon din ng kakayanan na magtayo at mamahala ng sariling pagmumulan ng pagkakakitaan.

(e.) Oo, nakakatulong ito ng malaki sa ating lipunan, dahil kung walang paaralan walang maghuhubog ng komprehensibong kaalaman, walang malinaw na daan patungo sa pag-unlad mula sa mga natutunan sa paaralan. Dahil dito ang pangalawang tahanan ng bawat naging estudyante at kasalukuyang nag aaral pa. Dahil bukod sa pagdidisiplina ng magulang marami pa ang natutunan sa paaralan ibat ibang aspeto at ibat ibang pamamaraan din. Nakakasalamuha ng ibat ibang tao nagkakaroon ng tiwala sa sarili at natututong makisama. Ang paaralan din ang nagbibigay halaga sa bawat nakikita nilang potensyal sa isang mag-aaral nililinang ito at pinaghuhusay pa. Dahil dito mas nagiging handa at matalino ang isang tao sa kakaharapin sa kinabukasan dito sa ating malaking mundo. Ang paaralan ang syang lugar Kung saan nagsisimula ang ikalilinang, ikatututo, ikatutuklas, at ikahuhusay ng bawat tao. 

No comments:

Post a Comment