PAMILYA
-Ito ay binubuo ng Haligi ng tahanan, Ilaw ng tahanan, Mga Supling. Ito ay ang Ama, Ina, Mga anak. Dito pinapairal ang pagmamahal sa bawat isa. Nakatutok sa bawat isa ang miyembro nito. At dto nabubuo ang kagandahang asal nang mga anak. Kagaya ng respeto ng mga anak sa kanilang mga magulang. Masaya ito lalo na kung nagkakaintindihan ang bawat isa at nagdadamayan sa bawat problema.
(A) Layunin ng pamilya na:
Alagaan ang kanilang mga supling. Sila ang pinakamaliit na sektor ng lipunan kaya kung walang pamilya wala ding lipunan. Dito natutugunan ang mga pangangailan ng lipunan. Layunin din nilang magdamayan sa mga oras ng pangangailangan.
(B) Kontribusyon ng Pamilya sa lipunan:
Ang lipunan ay isang malaking pamilya. Kaya kung wala ang pamilya wala ng lipunan. Nagsasama sama ang pamilya, para sa ikauunlad ng lipunan. Kapag walang pagkakaisa ang pamilya. Hindi rin magiging maayos ang isang lipunan.
(C) Nakikitang tunguhin ng pamilya sa lipunan:
Ang nakikitang tunguhin ng pamilya para sa pamahalaan ay, ang maipamahagi ang mga pagmamahalan sa bawat miyembro nito at ang pagkakaisa para sa mas magandang lipunan.
(D) Nakakatulong ang pamilya sa ating lipunan dahil nangunguna ito sa ating lipunan. Nagagabyan nila tayo para sa tamang landas ng ating buhay. Opo, may naiambag sila sa ating lipunan, dahil ang mga mamamayan ay nagtutulong tulong sa bawat isang bubong.
(E) Nakatulong ito sa pagkamit ng layunin dahil ang bawat miyembro ng pamilya ay mayroong pagkakaisa sa mga kahirapang nararanasan nila. Nangingibabaw din ang pagmamahalan sa lahat ng oras.
No comments:
Post a Comment